Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Ang wika ang natatanging instrumento kung bakit tayong mga tao ay nagkakaintindihan, nakapagkomunikasyon at nagkakaunawaan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang paggamit natin ng wikang pambansa, wikang panturo at wikang opisyal; na-aapply natin ito sa ating sarili lalo na kung nakikipaghalubilo o nakikipag komunikasyon ka sa ibang tao. Mula sa ibat-ibang panahon hanggang sa kasalukuyan ay patuloy parin nating ginagamit ang ating sariling wika. Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na ibat-ibang palabas sa telebisyon at pelikula dahil dito ay na ko-kopya rin natin ang kanila estilo sa pakikipag komunikasyon batay sa kanilang paggamit at paraan ng pagsalita gamit ang bilingguwalismo at ang multilingguwalismo na patok na patok sa atin ngayon. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at mga karanasan lalo na pag ikaw ay isang awtor gumagawa ng sanaysay tungkol sa iyong mga pait na karanasan sa buhay at nangangailangan ito ng halimbawa upang ito ay lubusang maunawaan ng mag tao o mambabasa.
Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba pa) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika at ito ay isang napakalaking tulong lalo na sa ating henereasyon ngayon kung saan lahat ng tao ay nakadepende ang lahat sa teknolohiya, tulad ng paggawa ng blog na ito ngayon at nakagagawa ng pag-aaral gamit ang social media sa pagsusuri at pagsulat ng mga tekstong nagpapakita ng iba’t ibang sitwasyon ng paggamit sa wika. At ito ang aking mga pananaw ukol sa Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino...
paano magagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya ( facebook, google at iba pa ) sa pag-unawa sa mga konseptong pangwika
TumugonBurahinThrough communicating our love ones 😍
TumugonBurahin